Search Term:

Thursday, April 20, 2017

This is a rant.

Sticking this here.  It doesn't actually belong anywhere.  Just want a place to post it on.
Like the title says - this is a rant.  Something I wrote (elsewhere) the other night.  Am adding something I thought about yesterday at the bottom.  Also removed names.  They are for me to know.  If I want you to read this, I only want you to learn lessons from it.  So the 'who' is not relevant.
Also note: this is in Taglish.




For the record...

Re: J (yung kasama ni R)

On April 16, pumunta si J sa tindahan para bumili ng... hindi ko na maalala... sure ako may sigarilyo kasi lagi namang bumibili ng sigarilyo yun eh.  Pero hindi ko na maalala kung ano pa ang iba nyang binili.

Sa bayad nyang P1000, sinuklian ko sya ng hindi ko na maalala kung magkano.

Nagtanong din siya kung mayroon akong facial moisturizer.  Facial moisturizer lang daw.  Tinanong ko kung cream (day cream) pero sabi niya hindi raw dahil ayaw niya ng day cream.  Gusto lang niya moisturizer.  Sabi ko, karamihan kasi ng produkto ng Avon ay puro cream.  May isa lang na moisturizer at yun ay yung Myra ng Natasha.  Pinakita ko sa kanya yung VitaSmooth ko dito na moisturizer.  P115 ang regular price.  Pinakita ko sa kanya yung Myra FM sa brochure.  Itinuro ko pa yung VitaWhite FL na mas mahal ng konti.  Yun ang whitening nila.  Gaano raw ba yun kalaki.  45 ml ang nandito.  45 ml din yung mga nasa brochure so more or less, kasinglaki.  Nagbubuklat pa ako ng catalogs ng Natasha at MSE para maghanap ng ibang facial moisturizer.  Puro creams at pangkatawan ang nakita ko doon.  Binanggit ko pa na ang MSE ay dati walang personal care products pero ngayon meron na.  Naghanap din ako ng facial moisturizer doon pero wala.  Bumalik ako sa Natasha catalog.  Na-note namin ang mga produkto doon - maraming Splash products.  Splash products din yung ibang nasa MSE.  May Skin White din na produkto ang Natasha.  Pero mga pangkatawan.  Nakita ko yung Celeteque.  Ayun!  May facial moisturizer pala ang Celeteque.  Ang sabi ni J, oo, gumagamit din sya ng Celeteque.  Nabanggit pa nya na marami pang ibang product ang Celeteque.  Nabanggit ko na oo nga, dati ang daming dalang Celeteque products ng Natasha, pero ngayon, yung apat na lang.

Pagkatapos namin pag-usapan ang mga facial moisturizers, sunod namang tinanong ni J yung lotion.  Gusto nya sana yung dati nyang kinuha.  Kasi ang nakadisplay ko sa labas ay yung Royal Jelly na bagong design.  Ang dati nyang kinuha ay yung lumang design na Moisture Blend.  Kinuha ko sa loob ng bahay yung dalawang klase ng Moisture Blend at ipinakita sa kanya.  Kako, yung lumang design ay P165, yung bagong design ay mas mahal ng konti - P189.  Mas mura yung luma kasi nakuha ko siya ng mas mura, kako.  Sabi nya, dati ay ibinigay ko sa kanya yung lotion na mura lang.  Sabi ko, oo, yun yung P165 and presyo, na pag binawasan pa ng 20% ay P132 na lang.  Doon siya nagdesisyon na kukunin nya yung lumang Moisture Blend.  Pero sabi nya, may pupuntahan pa siya kaya't babalikan na lang nya bukas.  Pag alis nya, inilagay ko sa tabi yung lotion at tinandaan na babalikan nya yun bukas.  Itatabi ko na yun para sa kanya.
Itinabi ko na rin yung mas bagong design dahil may iba nang bumibili sa tindahan at sila na ang inasikaso ko.

Kinabukasan (April 17), nakalimutan kong ibilin sa nanay ko na babalik siya para bilhin yung lotion.  Nagpunta ako sa bayan.  Pag balik ko, sabi ng nanay na dumaan daw siya at kukunin sana yung lotion, at sabi raw niya na binayaran na niya iyon.  Sabi ko sa nanay na hindi pa niya yun binabayaran.

Kanina (April 18), bumalik si J dala ang hiniram nyang catalog ng MSE (hiniram kahapon nung wala ako) at binanggit ang order nya (Lancel? tsinelas).  Nagbigay rin sya ng (soft) cardboard na sukat ng paa niya.  Pagkatapos naming pag-usapan ang order nyang tsinelas, sabi ko sa kanya:  uy! yung lotion, wala ka pang ibinabayad doon ha.  At sabi niya, nabayaran na raw niya.  Ipinipilit niya na P800+ lang daw ang isinukli ko sa kanya nung isang araw.  Ibig sabihin ay kinuha ko na ang bayad para sa lotion.  Sabi ko, wala akong kinuhang bayad sa lotion.  Sabi ko, kung nagbigay siya ng advanced payment, may papel dapat akong binigay sa kanya.  Sabi niya, eh bakit daw nung kumuka siya ng lotion dati, wala naman daw akong binigay na papel.  Sabi ko, eh syempre kaliwaan kami dati - kumuha siya ng produkto, nakuha ko agad ang bayad - hindi necessary na bibigyan ko siya ng papel.  Pero kung nagbigay siya ng pera na wala pang kapalit na produkto, definitely gagawan ko sya ng papel, parang temporary receipt - yung order slip ko.  Pero ipinipilit pa rin niya na kinuha ko na raw yung bayad sa lotion kasi P800+ lang ang sukli ko sa P1000 nya.

Imposible.

Pumunta siya sa tindahan para may bilhin.  Ang haba-haba ng pag-uusap namin nung araw na yun.  Imposibleng makikipagkwentuhan muna ako bago ko siya singilin sa binili nya.  Panigurado, siningil ko na siya sa umpisa pa lang ng usapan namin.  Bago pa namin napag-usapan ang facial moisturizer at sa huli, ang lotion.

Imposible rin na kunin ko ang bayad nyang P1000, tapos makipagkwentuhan muna ako bago ko siya suklian.  Panigurado, sinuklian ko muna siya shortly after nyang magbayad.  Bago pa namin napag-usapan ang facial moisturizer at sa huli, ang lotion.

I have been known to tell people who ask me things, 'sandali ha, suklian muna kita, baka magkalimutan eh'.  Ganyan ako.  Hindi magtatagal na hawak ko ang pera mo nang hindi kita sinusuklian.  Tatapusin ko muna ang suklian bago ako makipag-kwentuhan para hindi magkalimutan.
At lalong hindi ako makikipagkwentuhan bago kita singilin dahil baka lalo kong makalimutan kung ano ang binili mo at baka lalo kitang hindi masingil.  Importante sa akin na mabayaran mo kung ano ang binili mo. 

Kaya imposible.  Bakit ko naman kukunin ang bayad sa lotion sa umpisa ng pag-uusap namin?  Hindi ko na-orasan, pero siguro hindi bababa sa 10-15 minutes (or more) na nag-uusap kami roon, at nagbubuklat ng catalogs, at nagpabalik-balik ako sa bahay para ipakita sa kanya ang (una) facial moisturizer at (huli) ang dalawang moisture blend.  Bakit ko kukunin ang bayad sa lotion sa umpisa ng pag-uusap namin, samantalang ang desisyon niya na kukunin ang lumang moisture blend at ang (parang) kasunduan namin na kukunin nya yun at babalikan kinabukasan ay nangyari noon lamang na patapos na ang usapan namin, at paalis na siya?  Ano ako, I can see the future?  Kinuha ko agad ang bayad sa bagay na hindi pa nya sinasabing bibilhin nya?  Kinuha ko agad ang bayad sa bagay na hindi pa namin naumpisahan pag-usapan?

Kasi ganun ang ini-imply nya eh.  Nagbayad siya ng P1000.  P800+ lang daw ang isinukli ko.  Meaning, siningil ko na yung lotion apparently long before she said she will buy it, and long before she decided which one she will buy.

Simple lang yan eh.  I did not, and never intended to charge any money for any lotion that was not yet being bought.  Hindi ko kinuha ang bayad sa lotion sa P1000 nya.

Kung kumuha ako ng bayad na wala pang kapalit na produkto, I would have given her a temporary receipt (order slip documenting payment).  This is SOP for me - ask anyone who's ever given me advanced payments before.  Pero I did not make nor give her any such thing because I did not get any advanced payment for that lotion.  

Ang maaaring nangyari ay nagkamali ako ng sukli sa kanya.  Although, this is not very likely also.  Kasi I count change in front of buyers.  I count change when I get it from the money box, and I count it again in front of the customer as I give it to them.  Kung may mali ako, na-catch na dapat namin yun agad agad.  Lalo na sa ganun kalaking halaga (P1000).

I'm not sure kung saan ko kinuha yung pamalit para ma-break yung P1000 nya.  Pero it's possible na kinuha ko yun sa Smart Padala funds ko.  And I counted my Smart Padala funds and it's all accounted for.  Walang labis, walang kulang.

I've also counted all Natasha/MSE/Avon money (gross) for this month (April).  Everything is accounted for.  Walang labis, walang kulang.  Nandoon lahat ng sales ko for all items sold this month.  At nandoon din yung advanced payments ng dalawang tao (not her) for their as of yet undelivered/unclaimed items.  

Dapat binilang nya agad kung tama ang sukli ko sa kanya.  Kung talagang nagkulang ako ng sukli sa kanya, at napansin nya agad na P800+ lang yun, samantalang ang binili niya ay hindi aabot sa P100+ ang halaga, dapat tinanong na nya ako agad, di ba?  Or at the very least, dapat ki-nonfirm nya sa akin kung kinuha ko na yung bayad sa lotion kaya ganun.  Pero apparently, in-assume lang niya na kinuha ko na?  Talaga?  Tapos ibi-bring nya yan to my attention the next day na?  Paano ko pa ma-trace yun?  How can I be sure na kulang talaga ang sukli ko sa kanya?  Sigurado ba siya na hindi niya ginastos sa ibang lugar yung supposedly kakulangan?  Ayokong magbintang, pero ang dali nang gumawa ng kwento afterwards.

Ang pinaka-kinaiinisan ko talaga ay yung ginagawa pa akong sinungaling.  Inaalagaan ko ang reputasyon ko.  I don't care if people think I'm mataray minsan.  Pero I never, never get money from anyone na walang kapalit na produkto, or at the very least, a receipt of payment.
Marami pang tao na may utang sa akin - mga kumuha ng items nung mga panahon na naka-one month to pay pa ako (almost two years ago) - na hanggang ngayon hindi pa rin ako binabayaran.  Pero never, never did I keep any payment na hindi nararapat sa akin.
At kaya ko nga tinanggal ang one month to pay terms, at ginawa na lang na cash lahat with automatic 15-20% discount, ay para mas less headache.  Kahit na ba drastically lessened ang kinikita ko, at nabawasan talaga ang customers ko.  Pero kahit kelan hindi ako naging magnanakaw.

Ako yung tipong maglalakad na lang papunta at pabalik ng bayan, para yung P5 na kita ko sa P99 brochure price Avon product (na dapat P24 ang kita ko pero P5 na lang dahil binigay kong discount sa iyo yung P19) ay talagang mako-consider kong profit imbes na mapunta lang sa pamasahe.  Ako yung tipong maglalakad mula Cubao to as far as Masinag kung kakayanin, para makatipid sa pamasahe, and for a similar reason as above, for Natasha and MSE products.  Mas gusto kong magsakripisyo ng ganyan kaysa nakawin ang pera mo. 

Eh yun ngang isa eh... almost six months may advanced payment sa akin.  Pero naglaho ba ang P55 nya?  Never.  In fact, every now and then, tinatanong ko siya kung balak pa nyang kunin yung pina-reserve nyang item o kung gusto ba nyang kunin na lang yung pera nya.

Eh yung isa pa nga eh (way back nung naka-one month to pay pa ako)... nag-order ng bluetooth speaker, nagbigay ng partial payment (P300 if I remember correctly), ibinalik ang bluetooth speaker after one week kasi may problema, ibinalik ko sa MSE yung item for repair, tapos umuwi na sa kanila yung buyer (hindi siya taga-rito, nagtrabaho lang siya for a while doon sa kapitbahay).  After a month, sinabi ng MSE na ire-refund na lang nila yung ibinayad ko kasi defective talaga yung item.  In turn, ipinaabot ko sa buyer na pwede niyang i-refund yung binigay nya sa akin na partial payment.  Pero months passed by at hindi niya kine-claim yung pera nya kasi nga, hindi na siya napupunta dito sa may amin.
After several more months (about half a year siguro), bumalik siya dito para bumisita sa mga dati nyang kasamahan sa trabaho, at dumaan siya sa amin... baka sakali raw na mabawi pa niya ulit yung partial payment nya.  Walang problema.  Because I never touched his P300.  Itinabi ko yun para sa kanya the whole time.  So nung bumalik sya, I gave it back.  Walang labis, walang kulang.  Fully refunded.  After so many months.  Dahil hindi ako yung tipo ng tao na ike-keep ang perang hindi naman talaga akin.

Tapos kukunin ko ang P132 mo at ide-deny na kinuha ko yun?  I don't think so.

ETA:
Ayoko talaga na mag-jump to conclusions na sadya niyang ginawa yang kwentong yan para makalusot, pero I will admit the idea occurs to me.  Pero I will try to give her the benefit of the doubt.
Iniisip ko... baka naman akala lang niya na P800+ lang yung isinukli ko sa kanya.  Because it is very possible that I gave her 1 P500 bill, and 3 P100 bills... baka dinisregard ng utak nya kung ilang P50 and P20 bills ang kasama nun, kaya naisip nya na P800+ lang ang ibinigay ko sa kanya.

Pero either way, hindi pa rin nagbabago na dapat kasi bilangin mo nang mabuti ang sukli mo AT THE COUNTER!  Di ba, ganyan ang laging sinasabi everywhere you go?  Sa kahit anong fast food, stores, etc.  At kung kulang, bring it to the attention of the cashier right away.  Hindi yung nakalayo ka na saka ka babalik.  How can the cashier be sure na wala kang ibinulsa in the interim?

No comments:

Post a Comment